Dalawang Blackhawk Helicopter ng Philippine Air Force nagsagawa ng aerial survey sa Southern Luzon
Nagsagawa ng aerial survey sa Southern Luzon ang dalawang Backhawk Helicopter ng Philippine Air Force (PAF) para makita ang lawak ng pinsala ng bagyong Paeng.
Lumipad ang dalawang S-70i Blackhawk Helicopters para magdaos ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA).
Ang flight mission ay pinangunahan na Tactical Operations Group 4, Tactical Operations Wing Southern Luzon kasama si Acting Commander, Southern Luzon Command, BGen. Armand Arevalo at Joint Task Force Katagalugan (JTFK) Commander, MGen. Roberto Capulong.
Kasama sa sinuri ay ang pinsala sa gumuhong Bantilan Bridge na nagdudugtong sa San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon. (DDC)