DOH ipinaubaya sa DepEd ang pagpapasya sa optional masking sa mga silid-aralan
Walang pagtutol ang Department of Health (DOH) sa naging pasya ng Department of Education (DepEd) na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face mask ng mga estudyante sa mga paaralan.
Ayon sa DOH, ang pagpapasya na may kaugnayan sa ikabubuti ng mga mag-aaral ay ipinauubaya nila sa DepEd.
Maliban dito sinabi ng DOH na ang pasyang ito ng DepEd ay salig din naman sa inilabas na Executive Order Number 3 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan pinapayagan na ang optional masking sa indoors at outdoors.
Paalala ng DOH sa publiko palagiang i-asses ang sitwasyon kung kailan dapat magsuot o hindi ng face mask.
Kabilang sa dapat ikunsidera ay ang good ventilation sa isang lugar. (DDC)