Malaking bahagi ng Mindanao uulanin dahil sa LPA na dating si Bagyong Queenie
Makararanas ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.
Ang LPA na dating si Bagyong Queenie ay huling namataan sa layong 420 kilometers East ng General Santos City.
Ayon sa PAGASA ang trough ng nasabing LPA ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bohol, Lanao del Sur, at Maguindanao Provinces at sa Eastern Visayas.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)