Tren ng PNR nadiskaril; anim na biyahe ang naantala
Balik na sa normal operasyon ng Philippine National Railways (PNR) matapos na may madiskaril ang tren sa bahagi ng Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa PNR, lumambot ang lupa sa riles sa bahagi ng Magsaysay Crossing malapit sa Sta. Mesa Station na sanhi ng Bagyong Paeng at ilang araw na pag-ulan.
Agad na nagsagawa ng re-railment ang PNR sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ballast sa mga apektadong riles.
Naibalik ang normal operations bandang 8:00 ng umaga matapos ang re-railment at testing.
Sa abiso ng PNR, balik operasyon na ang biyahe sa rutang Tutuban papuntang Alabang, Bicutan, BiƱan at vice versa.
Tinatayang may 500 PNR passengers ang naapektuhan ng insidente. (DDC)