Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 121 ayon sa NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 121 ayon sa NDRRMC

Nakapagtala na ng 121 na nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng 103 na nasugatan at mayroon pang 36 na nawawala.

Sa Situational Report ng NDRRMC na inilabas umaga ng Miyerkules (Nov. 2), umabot na sa kabuuang 3,180,132 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 927,822 na pamilya.

Mayroon pang mahigit 860,000 na katao ang inilikas at mahigit 170,000 sa kanila ay nasa mga evacuation center. Habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Sa datos ng NDRRMC, umabot sa mahigit 7,300 mga barangay ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P71.5 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *