Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya; mga pasaherong balik-trabaho ngayong araw, na-stranded
Na-stranded ang libu-libong mga pasahero ng MRT-3 matapos magka-aberya ang biyahe ng mga tren ngayong Miyerkules (Nov. 2) ng umaga.
Balik-trabaho ngayon ang maraming mga manggagawa matapos ang long weekend.
Sa inilabas na abiso ng MRT-3, may indikasyon ng abnormal signaling sa bahagi ng Shaw Boulevard station.
Dahil dito, inihinto ang biyahe ng mga tren para makapagsagawa ng troubleshooting.
6:52 ng umaga nang ini-report ng Control Center na normal na ang signaling system.
6:58 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT-3.
Nagdulot ng mahabang pila ng mga pasahero ang nasabing aberya. (DDC)