LPA na dating si Bagyong Queenie magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao
Magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ang Low Pressure Area (LPA) na dating si bagyong Queenie.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 355 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Sa weather forecast, ang trough o buntot ng LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Localized thunderstorm naman iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)