Pagbabalik sa full face-to-face classes sa public schools bukas, tuloy ayon sa DepEd

Pagbabalik sa full face-to-face classes sa public schools bukas, tuloy ayon sa DepEd

Tuloy ang pagbabalik ng full face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa kabila ng kakulangan sa silid-aralan at mga guro.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa, kabilang ang classroom shortage at kakapusan sa guro sa kakaharaping problema sa pagbabalik ng full face-to-face classes.

Ginagawan naman aniya ito ng paraan ng DepEd at kabilang sa mga hakbang ay ang paglilipat sa mga estudyante sa mga paaralan na mas maraming silid-aralan.

Aminado si Poa na hindi kayang solusyonan ng overnight lamang ang problema sa kakulangan sa classroom at mga guro.

Tinitiyak naman aniya ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte na tutugunan ito sa susunod na mga buwan at taon.

Una nang binatikos ng Alliance of Concerned Teachers ang pamahalaan dahil matapos ang pagpapairal ng online at blended learning sa loob ng dalawang taon ay hindi pa rin napaghandaan ang pagbabalik sa full face-to-face ng mga mag-aaral. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *