Pangulong Marcos nagsagawa ng aerial inspection sa Maguindanao

Pangulong Marcos nagsagawa ng aerial inspection sa Maguindanao

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sa Brgy. Kusiong Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nasa state of calamity matapos magdulot ang Bagyong Paeng ng pagbaha at pagguho ng lupa na nagresulta sa pagkasawi ng 51 katao sa Maguindanao.

Dumalo din ang pangulo sa situation briefing sa Maguindanao kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga opisyal ng

Ipinag-utos ng pangulo na isama ang gamot sa tulong na ipararating sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa lalawigan.

Iginiit din ng pangulo ang agarang pagkumpuni sa mga nasirang linya ng kuryente para maibalik ang suplay ng kuryente sa apektadong mga lugar.

Aniyia, dapat prayoridad na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na may ospital at evacuation center.

Samantala, iniutos ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng DPWH BARMM District Office upang mas mapabilis ang pag-aayos ng mga tulay at iba pang kalsada kapag may dumarating na kalamidad sa rehiyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *