Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 110 ayon sa NDRRMC

Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 110 ayon sa NDRRMC

Nakapagtala na ng 110 na nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.

Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng 101 na nasugatan at mayroon pang 33 na nawawala.

Sa Situational Report ng NDRRMC na inilabas umaga ng Martes (Nov. 1), umabot na sa kabuuang 2,418,249 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 741,700 na pamilya.

Mayroon pang mahigit 860,000 na katao ang inilikas at mahigit 190,000 sa kanila ay nasa mga evacuation center. Habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Sa datos ng NDRRMC, uymabot sa mahigit 6,100 mga barangay ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P50 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *