Bagyong Queenie humina bilang tropical depression – PAGASA

Bagyong Queenie humina bilang tropical depression – PAGASA

Humina ang bagyong Queenie at naging tropical depression na lamang ulit.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 490 kilometers East ng Davao City o sa layong 425 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, ngayong araw ay makararanas ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Caraga at Davao Oriental.

Dahil sa paghina ng bagyo sinabi ng PAGASA na posibleng hindi na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signals.

Posibleng lalo pang humina ang bagyo sa susunod na 12 oras at maging low pressure area na lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *