COVID-19 positivity rate sa anim na lalawigan sa bansa nasa “very high” pa rin – OCTA Research
Patuloy sa pagbaba ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 12.3 percent noong Oct. 22 ay bumaba sa 10 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong Oct. 29.
Samantala pawang nasa “very high” ang positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa na kinabibilangan ng Aklan, Benguet, Camarines Sur, Isabela, Misamis Oriental, at Tarlac.
Sa Aklan, nakapagtala ng 29.3 percent na positivity rate noong Oct. 29.
Sa Benguet naman, mula sa 7 percent ay tumaas sa 21.1 percent ang positivity rate.
Tumaas din ang positivity rate sa Isanela na mula sa 20.7 percent ay naging 33.9 percent.
Sa Misamis Oriental, mula sa 23.2 percent ay tumaas sa 25.3 percent.
Sa Tarlac, bagaman bahagyang bumaba ay “very high” pa rin ang naitalang positivity rate na 36.8 percent. (DDC)