Paalala ni Pangulong Marcos sa paggunita ng Undas: “live Christ-centered lives”
“Strive, live Christ-centered lives, and fulfill our life’s purpose until we meet our creator”. Ito ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ipinapaalala sa bawat isa ng paggunita natin sa alaala ng mga yumaong mahal sa buhay.
Sa kaniyang mensahe para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, sinabi ng pangulo na bilang Christian nation mahalaga ang panahong ito kung saan inaalala ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw.
Sinabi ng pangulo na dahil sa naranasan nating pandemya ng COVID-19, natutunan ng bawat isa na walang permanente sa mundo.
Tinuruan din aniya tayo ng COVID-19 pandemic na mamuhay ng makabuluhan upang sa ating pagyao ay wala tayong pagsisisihan at mayroon tayong kapanatagan.
Ayon sa pangulo, sa pag-alala natin sa mga mahal sa buhay na yumao, dasal niyang magbigay ito ng paghilom sa puso ng bawat osa.
“May it likewise reinforce the foundations of our faith and compel us to live with genuine love and compassion in all our days,” ayon sa pangulo. (DDC)