Bagyong Queenie lumakas pa isa nang tropical storm ayon sa PAGASA
Lumakas pa ang bagyong Queenie at ngayon ay nasa tropical storm category na.
Sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas 11:00 ng umaga ngayong Lunes (Oct. 31) ang bagyo ay huling namataan sa layong 815 kilometers East ng Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Ayon sa PAGASA, hanggang bukas araw ng Martes (Nov. 1) ay walang magiging direktang epekto ang bagyong Queenie sa bansa.
Bukas ng gabi, posibleng magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal sa bahagi ng Caraga at sa ilang bahagi ng Eastern Visayas. (DDC)