Bagyong Paeng muling lumakas; signal number 1 nakataas pa rin sa maraming lugar sa Luzon
Muling lumakas bilang Severe Tropical Storm ang bagyong Paeng.
Sa weather bulletin ng PAGASA ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 375 kilometers West ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion of Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Banna, Nueva Era, City of Batac, Paoay, Marcos, Currimao, Dingras, Solsona, Sarrat, San Nicolas, Laoag City, Piddig)
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– western and central portions of Pampanga (Mexico, Porac, Angeles City, Santa Rita, Santa Ana, Guagua, Sasmuan, Mabalacat City, Arayat, Santo Tomas, Minalin, City of San Fernando, Bacolor, Floridablanca, Magalang, Lubao)
– Abra
– Benguet
– western portion of Mountain Province (Besao, Tadian, Bauko, Sabangan, Sagada)
– western portion of Ifugao (Tinoc, Hungduan)
– Tarlac
– western portion of Nueva Vizcaya (Santa Fe, Kayapa)
– western portion of Nueva Ecija (Cuyapo, Talugtug, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Zaragoza, San Antonio, Cabiao)
– Zambales,
– central and southern portions of Bataan (Orani, Abucay, Hermosa, Samal, Morong, Dinalupihan, Bagac, City of Balanga, Pilar)
Ayon sa PAGASA ngayong araw, makararanas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Zambales, at Bataan.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na ulan naman ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cavite, Batangas, Laguna, southern portion ng Quezon, Western Visayas, Babuyan Islands, MIMAROPA, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyong Paeng ngayong araw. (DDC)