Nasawi sa pananalasa ng bagyong Paaeng umakyat na sa 98 ayon sa NDRRMC
Nakapagtala na ng 98 nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng 69 na nasugatan at mayroon pang 63 na nawawala.
Sa Situational Report ng NDRRMC na inilabas umaga ng Lunes (Oct. 31), umabot na sa kabuuang 1,953,814 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 590,990 na pamilya.
Mahigit 975,000 na katao ang inilikas at mahigit 300,000 sa kanila ay nasa mga evacuation center. Habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Sa datos ng NDRRMC, uymabot sa mahigit 5,000 mga barangay ang naapektuhan ng bagyo mula sa 17 rehiyon sa bansa.
Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P32 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)