TINGNAN: Ground zero kung saan naganap ang landslide sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao tinungo ng Coast Guard
Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-recover sa mga nasawi matapos ang landslide sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Unang na-recover sa nasabing lugar ang 20 bangkay dahil sa naganap na sakuna sa mga nakalipas na araw.
Binalikan ng mga tauhan ng PCG ang “ground zero” para hanapin ang mga nawawala pang residente ng naturang barangay.
Sa kanilang operasyon, gumamit sila ng kahoy para makapa kung saang bahagi ng maputik na barangay nakalubog ang katawan ng mga hinahanap na indibidwal.
Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ng Coast Guard ang mga kagamitan ng mga nasirang tahanan.
Halos bubong na lang ang kita sa ilang mga bahay na nalubog sa putik. (DDC)