DOLE nagpalabas ng pay rules para sa mga empleyadong papasok sa trabaho ngayong araw at bukas

DOLE nagpalabas ng pay rules para sa mga empleyadong papasok sa trabaho ngayong araw at bukas

Nagpalabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa tamang pagpapasweldo sa mga empleyadong papasok sa trabaho ngayong araw (Oct. 31) at bukas (Nov. 1).

Ang nasabing mga petsa ay kapwa deklaradong special non working holiday.

Sa ilalim ng Labor Advisory ng DOLE, iiral ang sumusunod na pay rules para sa Oct. 31 at Nov. 1 holiday:

Sa mga empleyadong hindi papasok sa trabaho ay iiral ang “no work, no pay” principle maliban na lamang kung mayroong existing na company policy, practice, o collective bargaining agreement na nagbibigay ng bayad sa empleyado kapag special day.

Sa mga empleyadong papasok sa trabaho, makatatanggap sila ng dagdag na 30 percent na bayad sa kaniyang basic wage sa uang walong oras ng duty.

Kung mag-o-overtime naman ang empleyado ay may dagdag pang 30 percent sa kaniyang hourly rate.

Kung natapat sa kaniyang rest day pero kailangan niyang pumasok sa trabaho, ang empleyado ay babayaran naman ng dagdag na 50 percent sa kaniyang basic wage. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *