DOH masusing binabantayan ang posibleng outbreak ng waterborne at foodborne diseases matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng
Activated na ang Inter-Agency Committee on Environmental Health (IACEH) ng Department of Health (DOH) para matutukan ang posibleng pagtaas ng waterborne at foodborne diseases matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa DOH, lahat ng uhnit nito ay inatasaang itaas ang surveillance sa posibleng outbreaks ng mga waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at dengue (W.I.L.D.).
Ang naturang Inter-Agency Committee ay nakatakdang mag-convene sa November 4, 2022 para talakayin ang mga kaso ng Acute Gastroenteritis/Diarrhea Cases at Cholera Outbreaks na maaaring dahil sa naranasang mga pagbaha.
Paalala ng DOH sa mga residenteng nakaranas ng pagbaha, agad magpatingin sa doktor kapag nakaranas ng sintomas ng leptospirosis. (DDC)