P31M na halaga ng mga gamot inihanda na ng DOH para sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng

P31M na halaga ng mga gamot inihanda na ng DOH para sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng

Inihanda na ng Department of Health (DOH) ang P31 million na halaga ng mga gamot para sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Paeng.

Ayon sa DOH, kabuuang P31,063,736 na halaga ng mga gamot, medical supplies, at iba pang commodities ang nakahanda na sa Regions I, II, CAR, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, CARAGA, BARMM, at NCR.

Mayroon ding kabuuang P72,803,656 na halaga ng commodities ang nakahanda na sa DOH Central Office Warehouse.

Sinabi ni OIC Health Secretary Maria Rosario Singh-Vergeire, na agad ide-deploy ang mga ito sa mga lugar na mangangailangan.

Nagtalaga din ang DOH ng mga tauhan sa 633 na evacuation centers sa buong bansa.

Tungkulin nilang magsagawa ng screening at triage sa mga evacuees at magbigay ng health, nutrition, medical, psychosocial, at WASH services.

Inilagay na din sa high alert ang mga DOH Regional Hospitals dahil sa inaasahang pagtaas ng hospital admissions. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *