60 kalsada at tulay sarado sa daloy ng traffic dahil sa epekto ng bagyong Paeng

60 kalsada at tulay sarado sa daloy ng traffic dahil sa epekto ng bagyong Paeng

Mayroon pang 60 kalsada at tulay ang sarado sa daloy ng trapiko dahil sa pinsala na naidulot ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Sa situational report ng Department of Public Works and Highways (DPWH), 60 road sections ang hindi pa nadaraanan ng mga sasakyan.

Narito ang mga rehiyon na mayroon pang mga kalsada o tulay na hindi pa nadaraanan ng mga motorista:

CAR – 7
NCR – 3
Region II – 6
Region III – 1
Region IV-A – 9
Region IV-B – 2
Region V – 3
Region VI – 18
Region VIII – 4
Region IX – 1
Region XII – 3
BARMM – 3

Ang pagsasara ng mga kalsada ay dahil sa pagkakaroon ng insidente ng soil collapse, road cut, road slip, mud flow, damaged bridge approach, high water elevation/flooding, strong current of water, uprooted tree, road depression, settlement of pier, possible occurrence of landslide, collapsed bridge, abutment failure, collapsed bridge approach, soil erosion and scoured abutment at exposed bridge piles.

Samantala, mayroon pang 29 na road sections ang limitado pa ang access o mayroong partial na pagsasara. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *