Mga Pinoy sa South Korea pinag-iingat matapos ang insidente ng stampede sa Seoul

Mga Pinoy sa South Korea pinag-iingat matapos ang insidente ng stampede sa Seoul

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs kung may Pinoy na naapektuhan sa naganap na stampede sa kasagsagan ng halloween event sa Itaewon, Seoul sa South Korea.

Ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Seoul naganap ang isang stampede sa Halloween revelries sa sikat na Itaewon area ng Seoul na ikinamatay ng 149 na katao kabilang ang dalawang dayuhan.

Nabatid pa sa ulat na 76 na indibidwal ang nasaktan kabilang ang 15 foreign nationals batay sa report ng Korea’s National Fire Agency ngayong umaga ng Linggo, Oktubre 30.

Mahigpit na minomonitor ng embahada ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan na sa lokal na otoridad doon upang alamin kung may Pilipinong naapektuhan sa insidente.

Sa ngayon wala pang natatanggap na report ang Embahada na may Pinoy na biktima ng naturang stampede.

Pinaalalahanan naman ng Embagada ang lahat ng Pinoy sa Korea na magpatupad ng pag-iingat sa paglahok sa malalaking events matapos ang nasabing insidente. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *