48 nasawi, 40 pa sugatan sa pananalasa ng bagyong Paaeng – NDRRMC
Nakapagtala na ng 48 nasawi ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala din ng 40 nasugatan at mayroon pang 22 na nawawala.
Sa Situational Report ng NDRRMC na inilabas umaga ng Linggo (Oct. 30), umabot na sa mahigit 900,000 na katao ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng mahigit 270,000 na pamilya.
Mahigit 364,000 na katao ang inilikas at mahigit 168,000 sa kanila ay nasa mga evacuation center. Habang ang iba ay nakituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.
Ayon sa NDRRMC, nakapagbigay na ng mahigit P5 milyon halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo. (DDC)