Deklarasyon ng national state of calamity inirekomenda ng NDRRMC

Deklarasyon ng national state of calamity inirekomenda ng NDRRMC

Inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagdedeklara ng national state of calamity dahil sa pananalasa ng Bagyong Paeng sa bansa.

Sa briefing kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. inirekomenda ni NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense Administrator Raymundo Ferrer sa panagulo ang deklarasyon ng national state of calamity sa loob ng isang taon.

Ito ay para magkaroon ng pagkakataon ang pamahalaan na gamitin ang mga karagdagang pondo para sa disaster relief at makapagpairal ng price freeze sa basic commodities.

Sinabi ni Marcos na pag-aaralan niya ang rekomendasyon ng NCRRMC.

Ani Marcos maraming rehiyon ang labis na naapektuhan ng bagyo. S

Sa pre-disaster risk assessment ng NDRRMC, sinabi ni Ferrer na 15 sa 17 rehiyon sa bansa ang maaaring naapektuhan ng bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *