45 pamilya inilikas sa Las Piñas City

45 pamilya inilikas sa Las Piñas City

Nagsasagawa ng pre-emptive evacuation operation ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa mga apektadong residente dahil sa Bagyong Paeng.

Ito ay bilang paghahanda sa pag-iwas sa mas malalang sitwasyon gaya ng baha at sakuna na maaaring dulot ng nasabing bagyo.

Sa kasalukuyan, nakapaglikas na ang Las Piñas LGU ng 45 na pamilya o 120 na indibidwal na tinututukan ang kanilang kapakanan ngayon ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) .

Ang mga inilikas na pamilya ay nanunuluyan ngayon sa evacuation center sa Las Pinas Central Elementary School.

Pinaalalahanan ang mga Las Piñeros na mag-ingat at manatiling ligtas sa lahat ng oras.

Nakataas sa Signal No.3 ang Metro Manila kabilang ang Las Piñas City ngayong araw ng Oktubre 29. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *