Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Eastern Visayas sinuspinde ng Coast Guard
Suspendido na ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na notice to mariners ng Coast Guard District Eastern Visayas, ito ay dahil sa epekto ng bagyong Paeng.
Ayon sa Coast Guard, kanselado ang paglalayag ng lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa rehiyon.
Layunin nitong maiwasan ang pagkakaroon ng maritime accidents dahil sa malakas na hangin at alon na maaaring idulot ng bagyo.
Samantala sa Ilocos Norte, sinuspinde na din ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat.
Pinayuhan naman ang malalaking barko na maging alerto at maingat sa paglalayag.
Sa abiso naman ng Coast Station Capiz, suspendido din ang lahat ng biyahe mula sa Roxas City patungong Romblon at pabalik. (DDC)