Bagyong Paeng lumakas pa; signal number 2 nakataas sa 6 na lugar sa bansa
Lumakas pa ang bagyong Paeng habang nananatili sa Philippine Sea.
Ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 410 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa sumusunod na mga lugar:
LUZON:
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Goa, San Jose, Tigaon, Iriga City, Saglay, Buhi)
VISAYAS:
– Northern Samar
– northern portion of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo, Maslog, Dolores, Can-Avid, Taft)
Signal Number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na mga lugar:
LUZON:
– Masbate including Ticao and Burias Islands
– Camarines Norte
– rest of Camarines Sur
– Romblon
– Marinduque
– Quezon including Pollilo Islands
– Laguna
– Rizal
VISAYAS:
– Samar
– rest of Eastern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– northern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, San Remigio, Tabogon, City of Bogo, Borbon) including Bantayan and Camotes Islands
MINDANAO:
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands
– northern portion of Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag, Bayabas, Tago, Cagwait)
Ayon sa PAGASA, ngayong araw hanggang bukas ay makararanas na ng heavy to intense at kung minsan ay torrential rains sa Bicol Region, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar. Moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa Western Visayas, Marinduque, Romblon, and Quezon. Light to moderate at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, mainland Cagayan Valley, Aurora, Rizal, Laguna, at sa nalalabing bahagi ng Visayas.
Ayon sa PAGASA, lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category habang papalapit sa Bicol Region. (DDC)