Bagyong Paeng lumakas pa bilang tropical storm; signal number 1 nakataas sa anim na lugar sa bansa
Lumakas pa ang bagyong Paeng at umabot na sa tropical storm category.
Ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 540 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– Catanduanes
– eastern portion of Albay (Rapu-Rapu)
– eastern portion of Sorsogon (Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon)
– Eastern Samar
– Northern Samar
– Samar
Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga hanggang gabi, makararanas na ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan at matinding pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa MIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora, at sa nalalabing bahagi ng Visayas.
Bukas (Biyernes) ng gabi hanggang sa Sabado, heavy to torrential rains ang posibleng maranasan sa Bicol Region, Northern Samar, at Quezon.
Katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan ang mararanasan naman sa Metro Manila, Western Visayas, Aurora, Bulacan, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, eastern portions ng Cagayan at Isabela, at sa nalalabing bahagi ng Eastern Visayas, at CALABARZON.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyo at aabot ng tropical storm category sa loob ng 24 na oras.
Sa Sabado posibleng umabot pa ito sa typhoon category. (DDC)