Naitalang kaso ng cholera sa bansa 270 percent na mas mataas kumpara noong nakaraang taon

Naitalang kaso ng cholera sa bansa 270 percent na mas mataas kumpara noong nakaraang taon

Nakapagtala na ng 3,980 na kaso ng cholera sa bansa mula January 1 hanggang unang linggo ng Oktubre ngayong taon.

Ayon sa Department of Health, 270% itong mas mataas kumpara sa naitalang kaso ng cholera noong kaparehong petsa ng taong 2021.

Pinakamataas na nakapagtala ng kaso ng cholera ay ang Region 8 na mayroong 2,678 cases, kasunod ang Region 1I – 441 cases at ang Caraga – 289 cases.

Sa buong bansa umabot na sa 37 ang bilang ng nasawi sa cholera ngayong taon.

Una nang nagdeklara ng cholera outbreak ang pamahalaang lungsod ng Bacolod sa isa nitong barangay.

Ayon sa City health office, nakapatala ng pagtaas ng kaso ng cholera sa Barangay Alijis nannagdulot na ng pagkaalarma sa mga residente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *