Inabandona at hindi pa nabayarang Balikbayan Boxes ide-deliver ng libre ng BOC

Inabandona at hindi pa nabayarang Balikbayan Boxes ide-deliver ng libre ng BOC

Ipinag-utos ng Bureau of Customs (BOC) ang pag-deliver sa lahat ng abandonado at hindi pa nabayarang balikbayan boxes.

Sa press briefing, inanunsyo ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ang mga abandonadong packages ay ide-deliver ng Island Kabayan Express Cargo LLC at Win Balikbayan Cargo LLC sa loob ng susunod na 1 hanggang 4 na linggo.

Ayon sa BOC, ang pagde-deliver ay aabutin ng 1 linggo kung ang claimant ay sa NCR, 1 hanggang 2 linggo para sa iba pang lugar sa Luzon at 2 hanggang 4 na linggo sa Visayas at Mindanao.

Kailangan lamang magpakita ng claimants ng government ID, kopya ng receipt o authorization letter kung ang balikbayan box ay tatanggapin ng representative.

Tiniyak ng BOC na walang anumang fee na kukulektahin sa pag-deliver ng balikbayan boxes.

Sinabi ng BOC na ito ay bilang tulong na rin ng ahensya sa mga OFW at kanilang pamilya.

Kamakailan, nakipagpulong ang BOC sa Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) kung saan napagkasunduan ang pagkakaroon ng Balikbayan Box One-Stop-Shop at pagbuo ng inter-agency agreement sa pagitan ng DTI, Department of Migrant Workers, at BOC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *