Mahigit 40,000 na mga pasahero bumiyahe sa mga pantalan ngayong umaga
Nakapagtala ang Philippine Coast Guard ng mahigit 40,000 mga pasahero na bumiyahe sa mga pantalan ngayong umaga ng Huwebes (Oct. 27).
Ayon sa datos ng Coast Guard, simula 12:00 ng madaling araw hanggang 6:00 ng umaga ay mayroong naitalang 24,655 na outbound passengers at 20,397 inbound passengers.
Mayroong 2,356 na tauhan ang PCG na naka-deploy sa mga pantalan sa bansa.
Nag-inspeksyon ang mga tauhan ng PCG sa 237 na mga barko at 221 na motorbancas
Magpapatuloy ang monitoring ng Coast Guard sa mga pantalan sa bansa sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2022. (DDC)