Mayor Honey Lacuna nag-inspkesyon sa Manila North Cemetery
Nag-ikot sina Manila City Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa Manila North Cemetery.
Ang inspeksyon ay para alamin ang ginagawang mga paghahanda ng pamunuan ng Manila North Cemetery para sa paggunita ng Undas 2022.
Sa panayam, sinabi ni Mayor Honey na may ilan pang dapat na gawin sa paghahanda upang kahit papaano ay hindi mahirapan ang mga taong dadagsa sa sementeryo.
Tinukoy ng alkalde ang paglalagay ng mga portalets at paglilipat sa puwesto ng mga vendors upang hindi sila maging sagabal sa mga pupunta sa sementeryo
Nais ding matiyak ng alkalde na magiging maayos ang pasukan at labasan ng mga tao.
Magbibigay din ang LGU ng libreng sakay sa loob ng sementeryo upang hindi mahirapan ang mga PWDs at mga senior citizen na dadalaw sa puntod ng yumaong mahal nila sa buhay. (DDC)