P1M na halaga ng livelihood package ipinamahagi ng DOLE sa mga pedicab driver at ambulant vendor sa Intramuros

P1M na halaga ng livelihood package ipinamahagi ng DOLE sa mga pedicab driver at ambulant vendor sa Intramuros

Nakatanggap ng P1 million na halaga ng livelihood package ang mga tourism workers sa Intramuros, Maynila.

Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong sa mga pedicab drivers at ambulant vendors sa Intramuros.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang tulong ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Bahagi din ito ng pakikipagtulungan ng DILE sa Department of Tourism (DOT) para sa ‘Trabaho, Turismo, Asenso’ Job Fair program ng pamahalaan.

Ayon kay Laguesma, 120 na padyak drivers at ambulant vendors ang nakinabang sa P1,080,700 na halaga ng tulong na kinabibilangan ng livelihood enhancement at Negosyo sa Kariton (NegoKart) ng DOLE.

Ang mga benepisyaryo ay sasailalim din sa pagsasanay sa end-to-end cycle ng service quality.

“They will be provided with standardized uniforms, brochures, and other tourism-paraphernalia as part of the package of assistance.” ayon kay Laguesma. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *