Dayuhan na wanted sa South Korea naaresto ng NBI sa Taguig
Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Korean national na wanted sa South Korea dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking.
Kinilala ng NBI ang suspek na si KIM GIROK na nadakip ng mga tauhan ng NBI- International Operations Division (NBI-IOD) sa Taguig City.
Dinakip ang suspek base sa kahilingan ng Supreme Prosecutor’s Office ng Korea.
Nagsagawa ng stakeout, casing operations at internet surveillance ang NBI para matukoy ang eksaktong kinaroroonan ng dayuhan at nabatid na tumutuloy ito sa isang condominium sa Taguig City.
Agad nagkasa ng joint operation ang NBI, Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) at Southern Police District (SPD) para arestuhin ang suspek. (DDC)