Voter registration muling sisimulan sa Dec. 9, 2022 ayon sa Comelec

Voter registration muling sisimulan sa Dec. 9, 2022 ayon sa Comelec

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa December 9, 2022 ang muling pagsisimula ng voter registration para sa local at overseas.

Ito ang napagpasyahan ng Comelec en banc kasunod na rin ng postponement o pagpapaliban sa Barangay at SK elections.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang deadline para sa local voter registration ay sa January 31, 2023.

Tinalakay din ng en banc ang operational plan para sa pilot testing ng Register Anywhere Project (RAP) sa limang piling malls – satellite registration sites sa National Capital Region.

Isasagawa ang RAP tuwing Sabado at Linggo mula Dec. 10 hanggang Jan. 29.

Wala namang gagawing RAP sa Dec. 24, 25, 31 at Jan. 1.

Layon ng RAP na mas mailapit sa publiko ang proseso ng voter registration. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *