44 sugatan, mahigit 18,000 pamilya naapektuhan ng lindol sa Northern Luzon
Umabot na sa 44 ang naitalang sugatan sa magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Northern Luzon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot na sa 61,514 na indibidwal o katumbas ng 18,478 na pamilya ang naapektuhan ng lindol sa tatlong rehiyon.
Nakapagtala din ng mahigit 1,800 na mga bahay na nasira, at 125 na iba pang mga imprastraktura.
Nakapaglaan na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P207,900 na halaga ng tulong sa mga nasalantang pamilya. (DDC)