Bagyong Paeng bahagyang lumakas; signal number 1 nakataas sa dalawang lugar sa Visayas
Bahagya pang lumakas ang tropical depression Paeng habang nananatili sa Philippine Sea.
Ang sentro ng bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 660 kilometers East ng Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– northern portion of Eastern Samar (San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad, City of Borongan)
– eastern portion of Northern Samar (Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Pambujan, Catubig, Las Navas)
Bukas ng umaga hanggang gabi, makararanas na ng katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan at matinding pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa MIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora, at sa nalalabing bahagi ng Visayas.
Bukas (Biyernes) ng gabi hanggang sa Sabado, heavy to torrential rains ang posibleng maranasan sa Bicol Region, Northern Samar, at Quezon.
Katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan ang mararanasan naman sa Metro Manila, Western Visayas, Aurora, Bulacan, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, eastern portions ng Cagayan at Isabela, nalalabing bahagi ng Eastern Visayas, at CALABARZON.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, at sa nalalabing bahagi ng Visayas, Cagayan Valley, Central Luzon, at MIMAROPA.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumakas pa ang bagyo at aabot ng tropical storm category sa loob ng 24 na oras.
Sa Sabado posibleng umabot pa ito sa typhoon category. (DDC)