LPA sa Eastern Visayas naging ganap nang bagyo; pinangalanang “Paeng” ng PAGASA

LPA sa Eastern Visayas naging ganap nang bagyo; pinangalanang “Paeng” ng PAGASA

Nabuo na bilang isang bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Visayas.

Ang bagyo na pinangalanang Paeng ay huling namataan sa layong 965 kilometers East ng Eastern Visayas.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong West northwest.

Ayon sa PAGASA, sa Biyernes ng umaga hanggang sa Sabado ng umaga, ang bagyo ay magdudulot ng malakas hanggang sa matinding buhos ng ulan sa Bicol Region.

Katamtaman hanggang sa malakas at kung minsan ay matinding pag-ulan sa Eastern Visayas, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, Quezon, Aurora, Isabela, at Cagayan.

At mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Rizal, Laguna, Nueva Ecija, Bulacan, Cordillera Administrative Region, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at Cagayan Valley.

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga ay maaaring magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Inaasahan ding lalakas pa ang bagyo at magiging tropical storm bukas araw ng Huwebes (Oct. 27) . (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *