BFP nagdeploy ng mga tauhan sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Abra

BFP nagdeploy ng mga tauhan sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Abra

Nag-deploy na ng mga tauhan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa Ilocos Norte para tumulong sa agarang assessment matapos ang pagtama ng malakas na lindol kagabi (Oct. 26).

Sa paunang impormasyon mula sa Phivolcs, magnitude 6.7 ang tumamang lindol pero kalaunan ay ibinaba ito sa 6.4 magnitude.

Naitala ang epicenter ng pagyanig sa Lagayan, Abra at naganap 10:59 ng gabi.

Ayon sa BFP, isinara ang kalsada mula sa Barani patungong Ben-agan sa Batac City, Ilocos Norte dahil nakitaan ng mga crack ang tulay.

Samantala nagsasagawa na din ng monitoring ang Philippine Red Cross sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Suspendido na ang klase ngayong araw sa lalawigan ng Abra dahil sa naganap na lindol.

Sinuspinde din ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno para matutukan ang isasagawang inspeksyon at assessment sa pinsala. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *