Publiko binalaan ng FDA sa pagbili ng 4 na brand ng pambatang cough syrup na gawa sa India

Publiko binalaan ng FDA sa pagbili ng 4 na brand ng pambatang cough syrup na gawa sa India

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng apat na brand ng pambatang cough syrup na pawang gawa sa India.

Ang apat na gamot ay sumasailalim sa imbestigasyon ng World Health Organization (WHO) dahil pinaniniwalaang naging sanhi ito ng pagkamatay at pagkakaroon ng acute kidney injuries ng mga batang nakainom nito sa Gambia.

Ayon sa FDA nagpalabas na ang WHO ng Medical Product Alert sa nasabin mga gamot na pinaniniwalaang substandard at kontaminado.

Sa inilabas na medica product alert ng WHO, ang apat na produkto ay kinabibilangan ng Promethazine Oral Solution, Kofexmalin Baby Cough Syrup, Makoff Baby Cough Syrup at Magrip N Cold Syrup.

Ang nasabing mga gamot ay gawa ng Maiden Pharmaceutical Limited na naka-base sa New Delhi, India.

Una nang sinabi ng WHO na mayroong 66 na bata sa Gambia ang nasawi matapos uminom ng naturang mga gamot. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *