Heightened alert ipatutupad sa mga tanggapan ng LTO simula sa Oct. 27 para sa Undas 2022

Heightened alert ipatutupad sa mga tanggapan ng LTO simula sa Oct. 27 para sa Undas 2022

Nakatakda nang itaas ng Land Transportation Office (LTO) ang alerto nito bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022” na layong tutukan ang kaligtasan ng mga pasahero at motorista sa panahon ng paggunita ng Undas ngayong taon.

Simula sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4, ipatutupad ng LTO ang heightened alert sa lahat ng mga tanggapan nito sa bansa.

Sa ilalim ng nasabing alerto, hindi muna maaaring makapagday-off o mahgbakasyon ang mga LTO enforcer.

Inaasahan ng LTO ang pagdagsa ng mas maraming mga motorista dahil sa mas maluwag nang restrictions sa COVID-19.

Noong Lunes (Oct. 24) nagdaos na ang LTO ng multi-sectoral coordination meeting kasama ang law enforcement groups at road management units ng iba pang ahensiya ng gobyerno upang ilahad ang mga paghahanda para sa Undas 2022.

Sinundan ito ng Road Safety and Defensive Driving seminar kasama ang mga driver at kundoktor ng mga Public Utility Bus (PUB).

Sinimulan naman ngayong araw ng Martes (Oct. 25) ang pag-deploy ng mobile teams ng LTO Central Office sa mga transport terminal sa National Capital Region. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *