LPA sa binabantayan ng PAGASA; ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

LPA sa binabantayan ng PAGASA; ITCZ magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Isang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 920 kilometers east ng Eastern Visayas.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone na nakaaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ng Martes, Oct. 25, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa ITCZ.

Ganitong lagay din ng panahon ang mararanasan sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quirino dahil sa Shear line.

Habang Northeast monsoon naman ang magdudulot ng mahinang pag-ulan sa
Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon ay localized thunderstorm lamang ang iiral. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *