Bilang ng mga pasaherong tumatangkilik sa Pasig River Ferry patuloy na tumataas

Bilang ng mga pasaherong tumatangkilik sa Pasig River Ferry patuloy na tumataas

Tumaas ang bilang ng mga pasaherong tumatangkilik sa Pasig River Ferry.

Sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), malaki ang itinaas sa bilang ng mga pasahero ng Pasig River Ferry ngayong taong 2022 kumpara noong 2021.

Sinabi ng MMDA na mula noong Enero 2022 hanggang nitong Setyembre ay tuloy-tuloy ang pagtaas ng ridership o bilang ng mga sumasakay sa ferry dahil bukod sa iwas-traffic na, libre pa ang pamasahe.

Noong buwan ng Setyembre 2022 nakapagtala ng 16,226 na mga pasahero na higit na mataas kumpara sa 2,806 na pasahero na naitala noong Setyembre 2021.

Ang Pasig River Ferry ay mayroong 13 istasyon na kinabibilangan ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *