DA Western Visayas inatasan ni Pangulong Marcos na kontrolin ang paglaganap ng ASF

DA Western Visayas inatasan ni Pangulong Marcos na kontrolin ang paglaganap ng ASF

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture sa Western Visayas na gumawa ng paraan para makontrol ang paglaganap ng kaso ng African Swine Fever (ASF).

Sa situation briefing na dinaluhan ng pangulo sa Bacolod City, ipinarating ng regional office ng DA-Western Visayas sa pangulo na may naitalang mga kaso ng ASF sa rehiyon partikular sa Iloilo.

Tiniyak naman ng pangulo na gagawa ng karampatang mga hakbang para hindi na lumaganap pa ang kaso ng ASF.

Noong nakaraang linggo ay idineklarang red zone ang munisipalidad ng Oton sa Iloilo matapos magpositibo sa ASF ang ilang mga alagang baboy.

Nagpalabas din ng Executive Order si Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. na nagbabawal sa pagbiyahe ng mga live hogs at pork products palabas ng Oton. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *