COVID-19 positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa nasa “very high” pa rin – OCTA Research

COVID-19 positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa nasa “very high” pa rin – OCTA Research

Muling bumaba ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 14.9 percent noong Oct. 15 ay bumaba sa 12.3 percent ang positivity rate sa NCR noong Oct. 22.

Samantala pawang nasa “very high” ang positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa na kinabibilangan ng Camarines Sur, Isabela, La Union, Misamis Oriental, Rizal, South Cotabato, at Tarlac.

Sa Camarines Sur, nakapagtala ng 35.7 percent na positivity rate noong Oct. 22.

Sa Isabela naman, mula sa 12.1 percent ay tumaas sa 20.7 percent ang positivity rate.

Tumaas din ang positivity rate sa La Union na mula sa 13.2 percent ay naging 20.9 percent.

Sa Misamis Oriental, mula sa 18.4 percent ay tumaas sa 23.2 percent.

Sa Rizal, bagaman bahagyang bumaba ay “very high” pa rin ang naitalang positivity rate na 21.1 percent.

Habang sa Tarlac, mula sa 41.6 percent na positivity rate ay tumaas pa sa 50.6 percent.

Nasa “very high” din ang positivity rate sa South Cotabato na 20.6 percent. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *