Pilipinas magsisilbing host sa 27th ASEAN Labor Ministers’ Meet
Idaraos sa bansa ang 27th ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) and Related Meetings.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma, ang ALMM ay gaganapin mula October 25 hanggang 29 na dadaluhan ng mga labor ministers at senior labor officials mula sa 10-member states ng ASEAN kabilang ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.
Magkakaroon ding ng pulong ang mga labor officials sa ASEAN Plus Three dialogue partners na China, Japan at South Korea.
Ayon kay Laguesma na siyang magsisilbing chairman ng ALMM, ang biennial meetings ay magsisilbing major venue para matalakay ang regional cooperation hinggil sa mga usapin na makaaapekto sa labor and employment.
Kasama sa agenda ng pulong ang pag-review sa progreso ng iba’t ibang regional programs hinggil sa skills development, digitalization, climate change and green jobs, industrial relations at ang changing world of work, migration at social protection. (DDC)