Matapos ang ilang sunod na pagtaas, presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo

Matapos ang ilang sunod na pagtaas, presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo

Matapos ang ilang sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay may aasahan namang pagbaba ngayong linggo ang mga motorista.

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, aabot sa 90 centavos hanggang P1.10 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Mababawasan naman ng 10 hanggang 40 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Habang 60 hanggang 90 centavos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Bukas araw ng Lunes (Oct. 24) iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad na rollback. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *