54 pulis hinuli sa Oplan Sita dahil sa traffic infractions sa NCRPO
Bilang pagpapatupad ng disiplina sa lahat ng ranggo ng National Capital Region Police Office, hindi pinalampas ng Oplan Sita ang panghuhuli sa 54 na pulis na lumabag sa batas trapiko at mga panuntunan sa Camp Bagong Diwa,New Gate Bicutan, Tagug City nitong Oktubre 20.
Pinuri naman ni NCRPO Regional Director Brigadier General Jonnel C. Estomo ang nasabing operasyon na pinangunahan ni Col. Wilson L. Doromal, Chief Regional Headquarters Support Unit (RHSU) kasama ang iba pang yunit sa bisinidad ng kampo na layuning tutukan ang implementasyon ng Camp Rules and Regulation at ng RA 4136.
Agad na inisyuhan ng citation tickets ang 54 PNP personnel at binigyan ng warning sa sumusunod na mga paglabag: no decal, expired decal, no drivers license, no helmet, unregistered vehicle, at violation of Art V of Taguig City Ordinance (failure to carry/show OR/CR registration).
Kabilang sa mga sumama sa operasyon ang Regional Highway Patrol Unit-National Capital Region (RHPU-NCR), Counterintelligence and Security Section – Regional Intelligence Division (CSS-RID), Regional Mobile Force Battalion (RMFB), Taguig City Police Station, at Traffic Management Office-Taguig.
“The action taken led by the camp commander bespeaks that our personnel are not exempted from existing rules and regulations inside our Regional Headquarters and most especially with existing laws and ordinances. As we intensify our internal cleansing program, we will be enforcing the law without fear and favor. We will continuously improve our system and organization in order to protect and serve the people,” ani RD Estomo. (Bhelle Gamboa)