Bagyong Obet napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas pa rin sa tatlong lugar sa Luzon

Bagyong Obet napanatili ang lakas; Signal No. 1 nakataas pa rin sa tatlong lugar sa Luzon

Nananatiling nasa karagatan ang Tropical Depression Obet.

Sa weather bulletin ng PAGASA na inilabas 11:00 ng umaga ngayong Biyernes (Oct. 21) ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 205 kilometers East ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabto sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).

Ngayong araw hanggang bukas ng umaga, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas atkung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at sa northern portions ng Ilocos Norte, Apayao, at mainland Cagayan.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at aabot sa tropical storm category bukas, araw ng Sabado.

Bukas din inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *