MMFF 2022 Official Entries inanunsyo na
Nakumpleto na ang walong official entries na mapapabilang sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ang Top 8 na pelikula ay pinili ng mga miyembro ng Selection Committee sa pangunguna ni Boots Anson-Rodrigo bas sa sumusunod na mga criteria: Artistic Excellence – 40%, Commercial Appeal – 40%, Filipino Cultural Values – 10% at Global Appeal – 10%.
Narito ang Official 8 entries para sa MMFF 2022:
(FINISHED FILM FORMATS)
1.DELETER by Viva Communications, Inc.
2. FAMILY MATTERS by Cineko Productions, Inc.
3. MAMASAPANO NOW IT CAN BE TOLD by Borracho Film Production
4. MY FATHER, MYSELF by 3:16 Media Network
Noong Hulyo, una nang inanunsyo ng MMFF ang unang apat na entries na ibinase sa script submissions:
5. LABYU WITH AN ACCENT by ABS-CBN Film Productions
6. NANAHIMIK ANG GABI by Rein Entertainment Productions
7. PARTNERS IN CRIME by ABS-CBN Film Productions
8. MY TEACHER by TEN17P
Ang MMFF ngayong taon ay may temang “Balik Saya sa MMFF 2022”.
Hinikayat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Concurrent Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III ang mga manonood na suportahan ang festival na taun-taon ay naging bahagi na ng Christmas tradition.
“Let us watch the MMFF in theaters once more. We are happy with the list of entries, which has a wide mix of genres. We are excited and looking forward to MMFF 2022 becoming a success,” ayon kay Dimayuga.
Pinaghahandaan na din ang isasagawang Parade of Stars.
Ang 48th MMFF ay magsisimula sa December 25, 2022 at tatagal hanggang January 7, 2023.
Isasagawa naman ang Gabi Ng Parangal sa December 27. (Bhelle Gamboa, DDC)